Actually, this site is suppose to be for the FIVE of us! (Kasi nung christmas, kaming lima rin naman ang magkakasamang nag-dinner at umakyat sa Antipolo-so kami na lang ba ang magkakaibigan? Hehehe! Just kidding!) Naintindihan naman namin kung hindi talaga makakasama si Red at Mhai, pero sa susunod talagang galit-galit na!
Here are the highlights and sidelines of our trip (new post or comment na lang kung may nakalimutan ako o bayolenteng reaksyon kayo, guys bahala kayo kasi "story" ko 'to):
- Sa Cubao kami nagkita-kita (pass 3pm), dahil wala namang napagusapan na lugar, sa Farmers kami tumambay, magkasama na kami ni Lele (met him near his place) pero nasa Farmers Market kami, at hindi kami agad natagpuan ni Tee-boy dahil nasa Farmers Plaza pala s'ya (kasalanan ko daw).
- Nag-Jollibee muna kaming tatlo, sobrang init kaya sa labas. Good luck naman sa'min kung dumating agad si Jays at Rhen.
- Jays arrived after 30 mins (improving huh)! Nasa Farmers Market daw s'ya kaya hinanap pa n'ya kami (kasalanan ko na naman).
- Kulitan at picture-picture habang umiinom ng chocolate shake. Alas tres ang call time, pero mukhang alas tres din umalis ng bahay si Rhen (coming from Laguna).
- After 1 hour Rhen arrived and waited for us (sa ibang branch ng Jollibee! ano kasalanan ko pa rin ba'to?).
- Nag-jeep kami papuntang Antipolo (naaliw kami sa mga card tricks ni Jays na wala namang pinatunguhan). Nag-tryk kami papuntang resort, ang galing ni manong driver, kahit na pataas ang daan, hindi tumirik ang tricycle n'ya (bravo manong!)
- Nung nasa resort na, ayun paiba-iba kami ng casita. Yung dapat na sa'min may ibang gumagamit. Syempre, gutom at pagod na kaya iba na ang level of tolerance namin (ganyang nananaba si Rhen, talagang takot kaming magutoman-peace rhen! hehe!).
- Dinner sa cafeteria. Kulitan na naman at picture-picture uli habang hinihintay ang pagkain (Portugal Le di ba?!)
- Bumili kami ng bottled water sa snack bar (naalala ko tuloy si Primadonnang Rhen at ang kanyang Tee-BOY!) Hahaha!
- Bago kami nakapagpalit, medyo namroblema pa kami sa gamit namin kung dadalhin ba o kung may maiiwan na lang para magbantay. Ayos lang naman, nakaligo kami ng sabay-sabay at wala namang nawala.
- Swimming time. Kuwentuhan at kulitan uli.
- Nagutom kami uli kaya pagbalik namin kinain din nila ang baon kong sugo at menthos (hahaha!pinagtatawanan n'yo pa'ko huh?!) may bonus pang spanish bread na dala si Lele (ang dami naming pagkain noh?!hahaha!). Sa sobrang dami nang dala naming food, sinikmura pa nga si Tee-boy.
- Pasyal-pasyal muna kami, pinuntahan yung ibang pool - on foot (as in nakayapak kami, ouch-ouch talaga). Malaki kaya yung resort (si Jays kasi sabi 'wag ng mag-slippers).
- May kiddie pool na parang baha lang (naalala ko tuloy nung na-stranded tayo sa Normal) tapos may tunnel pa dun. Meron ding pool of "jologs" according to Jays (with matching hand gestures, ipagawa n'yo na lang sa kanya para maintindihan n'yo)
- (Hala nakakainis! Ang dami ko nang n-type hindi nag-automatic save, ang stupid ko talaga! To be continued na nga lang uli...)
No comments:
Post a Comment